Matapos agawan ng korona ni Ramirez: Bautista nahaharap sa pagreretiro
MANILA, Philippines - Hindi na nakabangon pa si Rey “Boom Boom†Bautista mula sa maagang pagkakatumba sa kamay ni Jose “Negro†Ramirez ng Mexico para lasapin ang split decision pagkatalo at mahubad ang hawak na WBO International feaÂtherweight title na pinaglaÂbanan noong Sabado ng gabi sa University of Southwestern Philippines Gym sa Davao City.
Isang matinding kaliwa na nasundan ng kanan ni Ramirez ang nagpabuwal kay Bautista at kahit nagawa niyang bumaÂngon at tinapos pa ang 12-round bout, tunay na hindi niya kinaya ang mas malakas at mas maliksing si Ramirez para tanggapin ang 114-111 pagkatalo sa mga huradong sina Salven Lagumbay at Atty. Danrex Tapdasan.
Ang ikatlong judge na si Edward Ligas ay nagbigay ng 114-111 iskor pabor kay Bautista.
Si Bautista na edad 26 at one-time WBO super bantamweight challenger pero natalo kay Daniel Ponce De Leon sa paÂmaÂmaÂgitan ng first round Technical Knockout (TKO), ay yumukod sa ikatlong pagkakataon sa 37 laban.
Ang labang ito ay para sukatin kung hinog na uli si Bautista para lumaban sa world title. At dahil sa nabigo siya, lumutang ang balitang malamang na magÂretiro na siya o kailangang maghanap ng ibang promoter para magpatuloy ang kanyang boxing career.
Napigilan naman ni Rocky Fuentes ang sana’y dominasyon ng bumisitang Mexican boxers nang talunin si Juan Kantun sa pamamagitan ng unanimous decision sa labang ginawa sa 10 rounds.
Parehong humalik sa lona ang dalawang boksiÂngero pero si Kantun ay dalawang beses na bumuÂlagta para madaling ibinigay ng mga hurado kay Fuentes ang 98-88 iskor.
Ito ang 35th panalo sa 43 laban ng 27-anyos na tubong Cebu City na si Fuentes habang ikaapat na pagkatalo matapos ang 27 laban ang tinanggap ng bisitang boksingero.
Nanalo naman si Arthur Villanueva ng ALA Gym kay Marco DemeÂcillo Singwangcha para sa matagumpay na pagdepensa sa OPBF super flyweight title.
Dominado ng 24-anyos at tinaguriang El Matador na si Villanueva ang kabuuan ng laban tungo sa 118-109, 119-108, 119-108 tagumpay at iakyat ang malinis na karta sa 20-0bukod ang 11 KOs.
- Latest