Palaro hahataw ngayon

MANILA, Philippines - Pormal na bubuksan ngayon ang 2013 Palarong Pambansa na gagawin sa Don Mariano Perdices Memorial Stadium sa Dumaguete City.

Tinatayang nasa 12,000 batang manlalaro sa ele­mentarya at sekon­darya, coaches at bisita ang nasa Siyudad na kilala rin bilang City of Gentle People dahil sa husay nilang humarap sa mga bisita.

Ang seremonya ay magsisimula sa ganap na alas-4:30 ng hapon matapos ang isang oras na parada ng mga kasa­ping delegasyon mula sa 17 rehiyon sa bansa na sisimulan sa Silliman University.

Si Negros Oriental Pro­vince Governor Roel Degamo na siyang tumatayong host ang siyang magbibigay ng welcome remarks at makakasama sina City Mayor Manuel T. Sagarbarria, Department of Education secretary Bro Armin Luistro, FSC at Isaac Tonisito Umali, Esq. sa pagtataas ng banner ng Palarong Pambansa.

Sina PSC chairman Ricardo Garcia at commis­sioner Jolly Gomez ay darating din sa seremonya.

Ang Palaro gold meda­list noong 2012 na si Carl Christian Mari ang siyang mangunguna sa Oath of Amateurism habang sina Olympians Marestella Torres at Mark Javier na tubong Dumaguete, ang magtatambal sa pagsindi ng cauldron.

 

Show comments