MANILA, Philippines - Binigyan ni International Triathlon Union technical official Qin Jianqui ng go signal ang ruta at iskedul ng karera ng 2013 Asian Triathlon Championship-20th K-Swiss Subic Bay Triathlon (SUBIT) na gagawin sa Subic Bay Freeport mula Abril 27 hanggang 29.
“Matapos ang palitan ng komunikasÂyon gamit ang electronic mails ay binigyan na ng clearance ni Qin ang rutang gagamitin at ang schedule ng karera. Si TRAP president Tom Carrasco Jr. ay nasa Subic ngayon para tingnan kung ano pa ang ibang kailangan para matiyak na magiÂging matagumpay ang ATC,†wika ni TRAP vice president Red Dumuk sa SCOOP sa Kamayan-Padre Faura.
Bigating triathletes mula sa iba’t bang bansa ang daÂrating para maglaro sa elite divisions sa Abril 27.
Ang mga Olympians ng Japan na sina Hirokatsu Tayama at Mariko Adachi ang ilan sa may mga pangalan na triathletes na darating para ipakita ang angking husay sa swim-bike-run event na inorganisa ng TRAP katuwang ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at suportado ng K-Swiss.