MANILA, Philippines - Gumawa ng 18 puntos si Rome dela Rosa habang may 12 puntos at 7 boards si Ola Adeogun para sa San Beda tungo sa 70-58 panalo sa UP sa Filoil Flying V Hanes Premier Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Gumana ang opensa ng Red Lions na naiposte ang pinakamalaking kalaÂmangan na 28 puntos, 56-28, sa ikatlong yugto dahilan para masungkit ang ikalawang sunod na panalo matapos ang tatlong laro.
Ang dating manlalaro ng La Salle na si Samuel MaÂrata ay mayroong 13 puntos pero wala ng iba pang Maroons ang may doble-pigurang puntos para lasapin ang kabiguan.
Sumandig naman ang Arellano sa bagong kuhang si Keith Agovida na nakaÂtulong sa 74-65 tagumpay sa Perpetual Help sa isa pang laro.
Ang dating manlalaro ng Jose Rizal na umiskor ng 82 points sa NCAA juniors ay nagtapos taglay ang 11 puntos pero ang mahalagang bagay na naÂibigay sa Chiefs ay sa deÂpensa nang limitahan si Nigerian shooter Nosa Omorogbe sa 2-of-12 shooting lamang.
Dikitan ang first period dahil angat lamang ang Chiefs ng limang puntos pero nag-init ang opensa ng Arellano na umiskor ng 26 puntos sa second quarter upang lumayo sa 43-26.
Hindi na nagamit ng Altas ang serbisyo nina Jett Vidal at George Allen na nag-graduate na habang si Scott Earl Thompson ay hindi nakalaro dahil sa injury.