^

PSN Palaro

Lions, Chiefs nanalasa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gumawa ng 18 puntos si Rome dela Rosa habang may 12 puntos at 7 boards si Ola Adeogun para sa San Beda tungo sa 70-58 panalo sa UP sa Filoil Flying V Hanes Premier Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Gumana ang opensa ng Red Lions na naiposte ang pinakamalaking kala­mangan na 28 puntos, 56-28, sa ikatlong yugto dahilan para masungkit ang ikalawang sunod na panalo matapos ang tatlong laro.

Ang dating manlalaro ng La Salle na si Samuel Ma­rata ay mayroong 13 puntos pero wala ng iba pang Maroons ang may doble-pigurang puntos para  lasapin ang kabiguan.

Sumandig naman ang Arellano sa bagong kuhang si  Keith Agovida  na naka­tulong sa 74-65 tagumpay sa Perpetual Help sa isa pang laro.

Ang dating manlalaro ng Jose Rizal na umiskor ng 82 points sa NCAA juniors ay nagtapos taglay ang 11 puntos pero ang mahalagang bagay na na­ibigay sa Chiefs ay sa de­pensa nang limitahan si Nigerian shooter Nosa Omorogbe sa 2-of-12 shooting  lamang.

Dikitan ang first period dahil angat lamang ang Chiefs ng limang puntos pero nag-init ang opensa ng Arellano na umiskor ng 26 puntos sa second quarter upang lumayo sa 43-26.

Hindi na nagamit ng Altas ang serbisyo nina Jett Vidal at George Allen na nag-graduate na habang si Scott Earl Thompson ay hindi nakalaro dahil sa injury.

 

ARELLANO

FILOIL FLYING V HANES PREMIER CUP

GEORGE ALLEN

JETT VIDAL

JOSE RIZAL

KEITH AGOVIDA

LA SALLE

NOSA OMOROGBE

PUNTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with