Diretsong 10 sa San Miguel Beer sa ABL
MANILA, Philippines - Umiskor ng season-high 26 puntos si Asi Taulava at ang San Miguel Beer ay kumawala sa mahigpitang first half tungo sa 80-62 dominasyon sa Westports Malaysia Dragons sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
May 20 puntos ang 40-anyos na 6’10 Fil-Tongan sa second half at nilamon niya ang depensa ng mga DraÂgons imports na sina Marcus Hubbard at Gavin Edwards upang ibigay sa Beermen ang ika-10 sunod na panalo at 13-3 karta sa kabuuan.
“Right now we’re just getting ready for the playoffs. We just want to have that momentum going,†wika ni Taulava na nagtala ng 13-of-19 shooting at mayroon pang 5 rebounds, 3 assists at 1 steal sa 31 minutong paglalaro.
Lamang lang ng isa ang Beermen sa pagtatapos ng first half, 35-34, nang buksan ni Taulava ang ikatlong yugto sa pagbagsak ng walo sa unang 10 puntos ng koponan para lumayo sa 45-34.
Hindi na nagpabaya pa ang tropa ni coach Leo Austria at ang pinakamalaking bentahe sa laro ng home team ay sa 16 puntos mula sa magkasunod na buslo ni Hans Thiele.
Ang off-the-bench na si Thiele ay mayroong 10 puntos at walo ang ginawa sa huling yugto habang si Brian Williams at Leo Avenido ay mayroong 13 at 11 puntos.
May 14 rebounds at 3 blocks si Brian Williams para kunin din ng Beermen ang 2-1 lead sa head-to-head nila ng Dragons.
- Latest