Marquez si Bradley ang pinili?
MANILA, Philippines - Ipinagkalat ni Juan MaÂnuel Marquez na selyaÂdo na ang kanyang paghahamon kay WBO welterweight titlist Timothy Bradley, Jr. imbes na labanan si Manny Pacquiao sa pang limang pagkakataon.
Ayon sa 39-anyos na si Marquez, nakatakda ang kanilang banggaan ng 30-anyos na si Bradley sa Setyembre 14 sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Posibleng ito ang maÂging laban ng dalawang boksingerong tumalo sa Filipino world eight-division champion na si Pacquiao noong nakaraang taon.
“They discussed two opponents for Sept. 14: Mike Alvarado and Timothy Bradley. I like challenges. Bradley would be a diffiÂcult fight for me,†wika ni Marquez sa panayam ng ESPN Deportes Radio.
“Apart from being a world champion it would be a challenge to fight him and win another title in a fifth division, which for me is something that fills me with pride to have an opportunity to try,†dagdag pa nito.
Tinalo ni Bradley si Pacquiao via split decision noong Hunyo 9, habang pinatulog naman ni Marquez ang Sarangani Congressman sa sixth round sa kanilang ikaapat na pagtatagpo noong Disyembre 8, 2012.
Ngunit hindi pa tiyak kung matutuloy ang Marquez-Bradley championship fight.
Sa panayam ng MyÂDesert.com, pinabulaanan ng manager ni Bradley na si Cameron Dunkin, na tiyak na ang naturang pagdedepensa ng American fighter laban kay Marquez.
“We don’t know anything about it. I don’t know anything about it. I know Monica (Bradley’s wife) and Tim don’t know anything about it,†sabi ni Dunkin.
- Latest