MANILA, Philippines - Palalakasin pa ni Rey “Boom Boom†Bautista ang paghahabol para maÂpalaban sa lehitimong world title sa pag-asinta ng kumbinsidong panalo laban kay Jose “Negro†Ramirez ngayong gabi sa University of Southern PhiÂlippines Gym sa Davao City.
Itataya ng 26-anyos na si Bautista ang hawak na WBO international feaÂtherweight title laban kay Ramirez sa main event ng pa-boxing na handog ng ALA Promotion katuwang ang ABS-CBN at tinaguriang Pinoy Pride 19--“Mexican Invasionâ€.
May 34 panalo sa 36 laban kasama ang 25 KOs, isang beses pa lamang na napalaban sa world title si Bautista at natalo siya kay Daniel Ponce De Leon noong 2007 sa pamamagitan ng first round KO.
Nanalo si Bautista ng 11 sa sumunod na 12 laban ngunit tila hindi kumbinsido ang kanyang handlers na hinog na siya para mapaÂlaban sa world title kaya’t kailangan niyang magpakita kay Ramirez, may 24 panalo sa 27 laban at 15 KOs.
“Hindi ko tinitingnan ang knockout. Ang mahalaga ay manalo ako pero kung magkakaroon ng pagkakataon ay patutulugin ko siya,†wika ni Bautista.
Bagamat may 27 laban, ang 25-anyos na si Ramirez ay mapapalaban sa unang pagkakataon sa labas ng Mexico upang madehado sa laban.
Walang naging problema sa timbang ng daÂlawang boksingero dahil pareho silang pumasok sa 126-pound limit sa weigh-in kahapon sa SM City Davao.
Masasama sa lalaban si Rocky Fuentes na susukatin ang husay ni Juan Kantun ng Mexico sa loob ng 10 rounds.
Itataya ng 27-anyos na si Fuentes na OPBF flyweight champion, ang kanyang 14-fight winning streak laban kay Kantun na isang WBC Youth World Super Flyweight titlist.