^

PSN Palaro

Dawson nagbida sa panalo Bolts nakauna sa Mixers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinikwat ni import Eric Dawson ang isang  maha­lagang defensive rebound kasunod ang pagsasalpak ng kanyang dalawang freethrows sa huling 4.4 segundo sa final canto.

Sapat na ito para maitawid ng Meralco ang 88-85 panalo laban sa nagdedepensang San Mig Coffee sa Game One ng kanilang quarterfinals series para sa 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Ara

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Bolts ka­sabay ng pagpigil sa three-game winning streak ng Mixers.

Humakot si Dawson ng 25 points, 14 rebounds, 4 assists at 2 steals para ibigay sa Meralco ang 1-0 abante sa kanilang best-of-three quarterfinals showdown ng San Mig Coffee.

“I am just so happy and delighted how we won tonight’s game,” ani coach Ryan Gregorio.

Naidikit ni import Denzel Bowles ang Mixers sa 85-86 agwat buhat sa kanyang split sa 1:17 minuto sa fourth quarter kasunod ang mintis ni Sunday Salvacion at turnover ni Dawson para sa Bolts.

Ang tumalbog na tira ni Mark Barroca para sa San Mig Coffee ang nagresulta sa defensive board ni Dawson na tumipa ng dalawang freethrows mula sa foul ni Bowles para sa 88-85 bentahe ng Meralco sa natitirang 4.4 segundo.

Samantala, sasagupain ng No. 1 Alaska ang No. 8 Air21 ngayong alas-5:45 ng hapon kasunod ang salpukan ng No. 2 Rain or Shine at No. 7 Barangay Ginebra sa alas-8 ng gabi sa kanilang mga quarterfinals matches sa SM MOA Arena sa Pasay City.

Bitbit ng Aces at Elasto Painters ang ‘twice-to-beat’ advantage kontra sa Express at Gin Kings, ayon sa pagkakasunod.

Meralco 88 - Dawson 25, Buenafe 13, Salvacion 13, Manuel 8, Cardona 8, Ross 7, Hugnatan 6, Hodge 4, Reyes 3, Artadi 1.

San Mig Coffee 85 - Bowles 37, Mallari 12, Simon 9, Yap 8, Pingris 7, Barroca 6, Devance 6, Gaco 0, Najorda 0, Reavis 0, De Ocampo 0.

Quarterscores: 16-26; 47-43; 70-66; 88-85.

BARANGAY GINEBRA

DAWSON

DE OCAMPO

DENZEL BOWLES

ELASTO PAINTERS

ERIC DAWSON

GAME ONE

MERALCO

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with