Myanmar ibabalik ang tennis sa SEAG
MANILA, Philippines - Lalong tumibay ang paghahangad ng maraming SEA countries na maisama uli ang larong tennis sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.
Sa usapang POC-PSC Radio ProgÂram kahapon na kung saan naging paÂÂÂnauhin si Romeo Magat, sinabi ng Philippine Tennis Association (Philta) secÂretary-general na maganda ang nakuha niyang balita sa pagpupulong na ginawa sa Indonesia hinggil sa naunang apela sa Myanmar.
“Mga 90 percent,†wika ni Magat sa tsansa na maibalik ang tennis na naunang tinanggal ng host country katulad ng table tennis, bowling, gymnastics, dance sports at beach volleyball.
Ang Thailand, Indonesia at Pilipinas ay nagpaabot ng kanilang apela sa Myanmar noong nagpulong ang Asian Tennis FedeÂration sa Thailand noong Marso.
Nagkaroon uli ng pagpupulong noong Abril 9 sa hanay ng mga tennis officials at dito ipinaabot ng Myanmar ang umano’y kahandaan nila na isama uli ang nasabing sport.
Bago ito ay tumayo muna ang Myanmar bilang host sa idinaos na Asia-Oceania Zone Group II semifinals tie sa pagitan ng New Zealand at Pakistan upang ipakita na mayroon silang pasilidad.
Naunang rason ng Myanmar sports officials ang kawalan ng pasilidad kaya’t inalis nila ang tennis sa mga sports disciplines na lalaruin sa kompetisyon.
May 33 sports at 460 events ang itataya ng Myanmar sa palarong nakakalendaryo mula Disyembre 11 hanggang 22.
“Sa mga narinig kong balita mula sa Indonesian officials, ayos na ang tennis sa Myanmar,†pahayag pa ni Magat.
- Latest