^

PSN Palaro

PBA D-League foundation cup win NO. 5 puntirya ng Shakers

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

2 p.m. Fruitas vs EA Regens

4 p.m.  Jumbo Plastic

vs Cebuana Lhuillier

MANILA, Philippines - Pipilitin ng Fruitas Sha­kers na manatiling naka­agwat sa ibang koponan sa mahalagang ikalawang puwesto sa pagbangga sa EA Regens sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ikalimang panalo sa anim na laro ang mahaha­gip ng Shakers kung malusutan ang Team Delta na nais palakasin ang kasalukuyang 3-2 baraha.

Ang laro ay itinakda sa ganap na alas-2 ng hapon at kasunod nito ay ang bakbakan ng Cebuana Lhuillier at Jumbo Plastic dakong alas-4 ng hapon.

May 2-5 karta ang Giants na galing sa panalo sa Informatics, 80-75, at mahalaga ang makukuhang panalo para tumibay ang paghahabol sa quarterfinals.

Asahan naman na mabangis ang larong makikita sa Gems na dumapa sa huling laban kontra sa EA Regen, 69-73, para makasalo ngayon ang Boracay Rum sa 4-3 karta.

Galing ang bataan ni coach Nash Racela mula sa 83-75 tagumpay sa Big Chill noong Abril 11 para makabangon agad matapos ang paglasap ng unang kabiguan sa Cagayan Valley, 74-80.

“Maganda ang puwesto namin pero kailangan pa rin na manalo nang manalo para umabot sa playoffs,” wika ni Racela.

Ang liksi ng mga guards sa pangunguna ni Carlo Lastimosa ang sandata ng Shakers at ipantatapat sa naglalakihang frontline ng Team Delta sa pangu­nguna nina Ian Sangalang at Raymond Almazan.

Si Sangalang ang nagbibigay ng karanasan sa bago niyang koponan habang si Almazan ay naghahatid ng double-double sa puntos at rebounds sa huling dalawang laro na naipanalo ng tropa ni coach Allan Trinidad.

ALLAN TRINIDAD

BIG CHILL

BORACAY RUM

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

JUMBO PLASTIC

PASIG CITY

TEAM DELTA

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with