MANILA, Philippines - Walang takot at handang harapin ni Guillermo Rigondeaux ang sinumang boksingero na iharap sa kanya.
Ang panalong naitala laban sa ikinokonsidera bilang pinakamahusay na super bantamweight na si Nonito Donaire Jr. ang aniya ay nagpataas pa sa kanyang kumÂpiyansa na kakayanin ang sinumang boksingero sa pinaglalaruang dibisyon.
Umani ng unanimous decision ang walang talong Cuban boxer kay Donaire noong Linggo sa Radio City Hall sa New York para idagdag sa hawak na WBA title ang WBO ng Filipino boxer.
“I will fight anyone. No matter who they put in front of me, it will be no problem,†pahayag ng kampeon na may 12-0 karta.
Sa ngayon ay ang IBF lamang ang may kampeon sa katauhan ni Jhonatan Romero habang naghahanap pa ang WBC ng kanilang magiging kampeon
Kontento naman si Rigondeaux sa ipinakita laban kay Donaire kahit suntok-takbo ang kanyang ginawang diskarte.
Sinabi niyang tinangka rin niyang patumbahin si DoÂnaire pero mahusay ang depensa nito kaya hindi nagawa.
Idinagdag pa niya na noong naputukan si Donaire sa 12th round matapos ang malakas na kanan ay inakala niyang mapapabuwal niya ang WBO king.
“I thought that I could get the knockout in the 12th round. But Nonito came up with some good defense and I could not finish him. You don’t look for the knockout. The knockout has to come to you. If it is there, then you take it,†paliwanag pa ng WBA-WBO champion sa panayam ng Ringtv.
Sa ngayon ay magpapahinga muna ang two-time Olympian na nanalo rin ng ginto noong 2000 Sydney at 2004 Athens Games at masusing inaabangan ang boksingerong sunod niyang kakabanggain.