^

PSN Palaro

San Miguel Beer paborito vs Saigon Heat

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Tan Bihn Stadium,

 Ho Chi Minh City)

7:30 p.m. Saigon Heat

vs San Miguel Beer

MANILA, Philippines - Hindi malayong maku­ha ng San Miguel Beer ang ika-siyam na sunod na panalo at patuloy na pagkapit sa liderato sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) sa pagharap sa Saigon Heat sa Tan Bihn Stadium sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Ang laro ay magsisi­mula ngayong alas-7:30 ng gabi (Philippine time) at paborito ang Beermen dahil bukod sa may 3-11 karta lamang ang Heat, hindi pa makakalaro ang import na si David Palmer na suspindido matapos makipag-away kay Thailand Slammers import Christien Charles sa naku­hang 75-90 pagkatalo noong Abril 5.

“Hindi namin dapat isipin na lamang kami dahil wala ang isang import ng Heat. Kailangang ilaro pa rin namin ang tunay na laro para matiyak ang panalo,” wika ni Beermen coach Leo Austria.

Kung makukuha ang panalo, ang Beermen ay aangat sa 12-3 karta para manatiling angat sa Indonesia Warriors na mayroong 12-4 baraha.

Ito ang ikaapat na pagkikita ng Beermen at Heat at angat ang una sa 2-1 karta.

Si Chris Banchero ang muling mangunguna sa koponan katuwang sina Brian at Justin Williams, Asi Taulava, Erik Menk at Leo Avenido.

Pero hindi malayong bigyan din ni Austria ng playing time ang kanyang bench bilang paghahanda para sa Playoffs.

Dehado man ay tiyak na magpupursigi pa rin ang Heat na makuha ang panalo at wakasan ang masamang 10-game lo­sing streak at maiangat ang  kanilang 3-11 baraha.

Huling nanalo ang Heat noon pang Enero 19 laban sa nagdedepensang Warriors, 77-72, sa home court para sa 3-1 karta.

vuukle comment

ASI TAULAVA

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

CHRISTIEN CHARLES

DAVID PALMER

HO CHI MINH CITY

SAIGON HEAT

SAN MIGUEL BEER

TAN BIHN STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with