MANILA, Philippines - Makaraang maagawan ng World Bo-xing Organization super-bantamweight title si Nonito “The Filipino Flash†Donaire Jr., isang 76-round boxing card ng Cooo-yeesan Boxing Promotion ang idaraos sa Abril 21 sa Muntinlupa City kung saan ay itataya ni Richard Pumicpic ang kanyang World Boxing Council youth silver bantamweight belt.
Susubukin ng Indonesian 118-pound champion na si Junio Bajawa na agawin ang korona sa 23-taong gulang na si Pumicpic sa 10-round main event ng card na inorganisa ni businessman-sportsman Anson Tiu Co, may-ari ng Baguio City Cooyeesan Hotel, at itinuturing na tahanan ni eight-division champion Manny Pacquiao kapag nag-e-ensayo sa Pines City.
Lalabanan naman ni Bernabe Concepcion, dating WBC international featherÂweight champ, si Boido “Bulldozer†Simanjuntak ng Indonesia sa isa pang 10-round co-main event, na ayon kay Co ay unang pagtatangka ni Concepcion na makuhang muli ang kanyang status sa international boxing scene na minsan siyang tinaguriang world-beater.
“Gusto kong pasalamatan si Muntinlupa Mayor Alvin San Pedro, and A.S. Almario Promotions, Tobi Sports, Cherry Lume (Ang Yerong May Aluminum), Omico Corp and GMA News sa kanilang tulong na ang card na ito ay maganap upang manatiling buhay ang boksing dito sa ating bansa,†ani Co.
Tatlo pang 10-round supporting events ang matutunghayan sa pagitan nina bantamweight Daniel Ferreras at Marvin Tampus at mga flyweight na sina Bobby Concepcion at Gilbert Gurdario at Jeffrey Cerna at Rogen Flores.