CAUAYAN, ISABELA , Philippines --Sa naunang dalawang yugÂto ng ikaapat na edisÂyon ng Le Tour de Filipinas ay hindi napasama ang paÂngalan ng nagdedepenÂsang si Jonipher ‘Baler’ RaÂvina.
Ngunit kumpiyansa si Ravina, ang ikalawang FilÂipino cyclist na nagkampeon sa isang karera ng International Cycling Union (UCI) matapos si Warren Davadilla noong 1998 Marlboro Tour, na matagumpay na maipagtatanggol niya ang kanyang korona sa nasabing four-day race.
“Ipaglalaban ko pa rin ‘yung korona ko kasi may killer lap pa naman na puweÂdeng makainan ka ng 10 minutes kasi napakahirap na lap ‘yun,†wika kahapon ng 31-anyos na tubong Asingan, PangaÂsinan. “Sa last two stages talaga magkakaalaman.â€
Pakakawalan ngayon ang Stage Three na may distansyang 104 kilometro patungong Bayombong, habang ang Stage Four ay may layong 132.7 kms papunta Baguio City para sa pagtatapos ng karera.
Muling nabigong makapasok si Ravina sa Top 10 sa 196 kms na Stage Two kung saan isang Australian rider at apat na Filipino cyclists ang nakasama sa grupo.
Nilabanan ang matinding init, nagposte si Luke Parker ng City of Perth Cycling Team ng tiyempong limang oras, pitong minuto at 54 segundo para angkinin ang nasabing yugto.
“Very good race. Very long, very hot,†wika ng 20-anyos na si Perry, may parehong oras katulad ng siyam pang siklista kasama ang mga Pinoy riders na sina Jan Paul Morales (Philippine Marine Standard Insurance), Jerry Aquino, Jr. (7-Eleven Roadbike Philippines), Edmundo Nicolas, Jr. (American Vinyl Philippines) at Rustom Lim (LBC-MVPSF).
Ang iba pang nasa Top 10 ay sina Lee (CNN), Jones Caleb (CCN), Nur Amirull Fakhruddin Mazuki at Mohammad Saufi Mat Senan (Terengganu) at Mehdi Sohrabi (Tabriz Petrochemical Team).
Sinikwat naman ng 7-Eleven Roadbike ang team overall mula sa kanilang bilis na 29:32:15 kasunod ang Philippine Marine Standard Insurance (29:35:04) at Philippine Navy Standard Insurance (29:35:16).