MANILA, Philippines - Sa GMA News TV ChanÂnel 11 na mapapanood ang mga laro sa Shakey’s V-League.
Nagkasundo ang nag-organisa ng liga na Sports Vision at GMA Network Inc. na isaere ang mga laro at nagpirmahan ang magkaÂbilang kampo ng kontrata noong Miyerkules.
“It’s one sport where the Philippines can excel,†wika ni GMA president at COO Gilberto Duavit.
Ang primer ng liga na suÂportado ng Shakey’s ay mapapanood bukas (Linggo) sa ganap na alas-9 ng umaga sa Channel 11 habang ang mga laro ay magsisimulang ipalabas sa Lunes hanggang Sabado sa ganap na ala-1 ng hapon o matapos ang Balitanghali.
“We’re very grateful to the management of GMA-7 for coming into a partnership with us. Before, GMA stood as our partner for international viewership and we happy they’re showing it on local television network,†wika ni Sports Vision president Ricky Palou.
May ayuda rin ng Mikasa at Accel, ang mga kasaÂling koponan sa 10th season ay ang Ateneo, UST, San Sebastian, Letran, La Salle-Dasma, Perpetual Help, National University, Adamson, Arellano at University of San Carlos-Cebu.