BANGUI, Ilocos Norte , Philippines --Hindi maitaÂtangging nangingilag si American Vinyl head coach Renato Dolosa sa Tabriz Petrochemical Cycling Team ng Iran.
“Puwedeng sumabay, pero ‘yung sabihin natin na mananalo talaga kami sa kanila, mahihirapan talaga kami,†wika ni Dolosa sa nasabing Iranian continental squad na ngayon ay No. 1 cycling team sa Asya. “Hindi naman kami sasabihing sumusuko, kumbaga mabigat lang talaga ‘yung laban.â€
Ang huling torneong pinagharian ng Tabriz Petrochemical ay ang five-day Brunei Cycling Championship noong Setyembre.
“Kaya ‘yun. Huwag nating sabihin na hindi tayo mananalo kasi hindi pa naman nag-uumpisa ‘yung karera eh,†sabi ni Baler Ravina, ang nagdedepensang kamÂpeon na makakatuwang sa 7-Eleven sina John Lexer Galedo, Ericson Obosa, Ronnel Hualda, Harvey Sicam, Ryan Tugawin, Ric Rodriguez at Roberto Querimit.
Nakatakdang humataw ngayong umaga ang ikaapat na edisyon ng Le Tour de FiliÂpiÂnas sa pamamagitan ng Stage One kung saan mag-uunahan sa distansyang 175.5 mula Bangui hanggang Aparri, Cagayan ang 10 foreign teams at limang local squads.
Sa Stage Two, pepedal naman ang mga sikÂlista sa kabuuang 196 kms disÂtansya papuntang CauaÂyan, IsaÂbela at ang Stage Three ay isang madaling 104-km race patungong Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa Stage Four, isang mahirap na 133.5 kms na karera muÂla sa Bayombong hanggang Baguio City ang dedeÂterÂmina kung sino ang sisikwat sa titulo.
Ang mga continental teams ay ang Terrenganu CyÂcling (Malaysia), OSBC Singapore (Singapore), CCN Cycling Team (Taiwan), Tabriz Petrochemical (Iran), Synergy BaÂku Cycling Project (Azerbaijan) at Polygon Sweet Nice (Ireland).
Ang mga foreign club teams ay ang Perth Cycling (Australia), Team Direct Asia (Hong Kong), Atilla Cycling Club (MonÂgolia) at Korail Cycling Team (Korea).
Ang LBC-MVPSF Cycling Pilipinas, Team 7-Eleven-Roadbike Philippines, Navy-Standard InsuÂrance, Marines-Standard Insurance at American Vinyl ang bubuo sa mga local teams.