Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
5:15 p.m. San Mig Coffee vs Air21
7:30 p.m. Ginebra
vs Alaska
MANILA, Philippines - Ang Gin Kings ang pinaÂkamainit na koponan ngaÂyon mula sa kanilang sinasakyang six-game winning streak matapos ang 1-5 panimula sa torneo.
At kagaya ng mga suwerte, ito ay natatapos din.
“Sa law of averages matatalo daw kami, pero I told them na wala sa chaÂracter namin ‘yun,†sabi ni head coach Alfrancis Chua.
Puntirya ang kanilang pang-pitong sunod na ratÂsada at pananatili sa ikatlong puwesto, sasagupain ng Barangay Ginebra ang nangungunang Alaska, asam ang twice-to-beat ngaÂyong alas-7:30 ng gabi sa 2013 PBA CommissioÂner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Sa unang laro sa alas-5:15 ng hapon, magtatapat naman ang nagdedepensang San Mig Coffee at ang Air21.
Kinuha ng Gin Kings ang kanilang pang anim na dikit na panalo nang takasan ang Meralco Bolts, 91-90, noong Linggo tampok ang winning basket ni import Vernon Macklin sa huling 7.9 segundo sa laro.
Bitbit ng Ginebra ang 7-5 record katabla ang Petron Blaze sa ilalim ng mga kapwa quarterfinalists na Alaska (9-3) at Rain or Shine (8-4) kasunod ang Talk ‘N Text (6-6), Meralco (6-6) San Mig Coffee (6-6), Air21 (5-7), Barako Bull (4-8) at Globalport (2-10).
Sinikwat ng Gin Kings ang huling dalawang panalo nila na wala si 2012 PBA Most Valuable Player Mark Caguioa.
Matapos labanan ang Aces, ang Elasto Painters naman ang haharapin ng Gin Kings sa kanilang huÂling laro sa eliminasyon.
“Ayoko ngang malaman ang natitirang schedule. Gusto ko lang focus kami kung anong game ang lalaruin namin,†wika ni Chua.
Nanggaling din sa panalo ang Aces nang talunin ang Elasto Painters, 89-84, matapos bumangon mula sa isang 22-point deficit sa third period.