MIAMI--Sinabi ni Pat Riley na nagising siya ng bandang alas-11 para pumasok sa opisina at makipag-usap ng walang katuturan sa kanyang mga kapwa Miami Heat executives na sina Nick Arison at Andy Elisburg.
Siyempre, nagsisinuÂngaling siya.
Walang miyembro ng Miami organization na nasasabik sa playoff kagaya ni Riley, ang Heat president na may walong NBA championship rings sa kanyang koleksyon.
At sa inaasahang pagtatala ng Miami ng isang franchise record para sa panalo ngayong season, tila handa na si Riley sa isa na namang postseason run.
“It’s the ultimate dream for me,’’ sabi ni Riley. “It really is.’’
Huling umakto bilang head coach si Riley noong Abril 16, 2008, ang katapusan ng 15-win season ng Heat.
Lumakas ang Miami nang mailuklok si Fil-Am Erik Spoelstra bilang head coach at ang pagkuha kina LeBron James, Chris Bosh, Ray Allen, Mike Miller, Shane Battier, Mario Chalmers at iba pa para makatuwang ni Dwyane Wade.
Papasok ang Miami sa playoffs bilang No. 1 overall seed at nakatitiyak ng home-court advantage pagdating sa NBA Finals.
“They’re ready,’’ ani Riley.
Kamakailan lamang ay nagposte ang Heat ng isang 27-game winning streak, ikalawa ngayon sa pinakamahabang ratsada ng isang koponan sa kasaysayan ng NBA matapos ang 33 ng Los Angeles Lakers na nangyari noong 1971-1972.
Sapul noong 1970, taÂnging ang Lakers, Chicago, Detroit at Houston ang maÂtagumpay na nakapagdepensa ng kanilang NBA championship.
At sinasabing ang Miami ang magiging pang-lima ngayong season.