Puwede pa naman talagang pakinabangan si Dondon Hontiveros at ito’y nakita ng lahat noong Biyernes nang siya ay magbida sa 89-84 overtime win ng Alaska Milk kontra sa Rain or Shine.
Dahil sa panalo, ang ika-siyam sa 12 games ng Aces, ay nakamtan nila ang solo first place at malamang na makuha rin ang ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinal round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup.
Sa larong iyon, si Hontiveros ay nagtala ng 22 puntos, labing dalawa dito’y ginawa niya sa fourth quarter at anim sa overtime.
Bale nagpasok siya ng pito sa 10 three-point shots para sa napakataas na 70 percent. Bukod dito ay humugot din siya ng pitong rebounds, nagbigay ng isang assists at nakakumpleto ng isang steal sa kabuuang 34 minutong playing time.
Kaya pa pala niya iyon?
Bulalas ng ilang kaibigan ko na nag-aakalang maÂÂtanda na si Hontiveros at medyo papunta na sa pagÂÂreretiro.
Kasi nga’y ipinamigay na siya ng Petron sa Alaska upang bigyang daan ang mas batang mga manlalaÂrong sina Chris Lutz, Marcio Lassiter at rookie na si Alex Mallari na kinalaunan ay naipamigay din sa San Mig Coffee. At any rate, ang Petron Blaze ay nasa rebuilding phase at maraming mga batang manlalaro sa line-up nito. Pati nga ang coach na si Olsen Racela ay siyang pinakabatang head tactician sa PBA.
So, okay parang expendable na nga si Hontiveros kahit na mayroon pang makakatas sa kanya.
Kung tutuusin, noong 26th season pa nga ipinaÂmigay ng Petron si Hontiveros kasama nina Danny Seigle, Paul Artadi at Dorian Peña sa Air21 kapalit ng mga rookies na sina Rabeh Al-Hussaini, Nonoy Baclao at Rey Guevarra na pawang wala na rin sa poder ng Boosters matapos ang hiwalay na trades.
Pero noong nakaraang season ay nabawi ng Petron sina Hontiveros at Peña. Kasi, aminado ang ilang insiÂders ng Petron na kailangan nila ang veteran leadership ni Hontiveros. At ayos pa naman ang scoring nito kung bibigyan ng mahabang playing time.
Kaya nga lang ay nagkaroon ng multi-team trade baÂgo nag-umpisa ang 38th season at nakabilang sa riÂgoÂdon ng mga manlalaro si Hontiveros sa palitang kiÂÂnasangkutan nina LA Tenorio na napunta sa Barangay Ginebra San Miguel at JVee Casio na nakuha ng Alaska Milk.
Happy naman si Alaska Milk coach Luigi Trillo sa pagÂkakalipat ni Hontiveros.
Aniya, noong nakaraang Philipine Cup kung saan nagsimulang makabangon ang Aces buhat sa masagwang performance sa nakaraang season. “Hontiveros along with Casio and Calvin Abueva are definitely key pieces in our rebuilding program.â€
Sa tulong ng mga bagong manlalarong ito ay umaÂbot ang Aces sa semifinals ng nakaraang Philippine Cup kung saan natalo sila sa nagkampeong Talk ‘N Text.
Pero malaking ‘jump’ na rin iyon para sa isang koÂÂpoÂnang minsan lang pumasok sa quarterfinals sa 37th season.
At ngayon nga’y malamang na may ‘twice-to-beat’ advantage sila sa darating na quartefinals.
Kung maipagpapatuloy ni Hontiveros ang pagsingaÂsing niya, aba’y mahirap ngang mapigilan ang Aces.
MaÂlamang na didiretso sila sa semis. O baka tumuloy pa sila sa Finals.
Matagal pa bago tuluyang talikuran ni Hontiveros ang paglalaro. Kayang-kaya pa niya eh.