MANILA, Philippines - Magarang binuksan ng two-time defending champion Ateneo ang kampanÂya sa posibleng ikatlong korona nang padapain ang UST, 25-23, 25-23, 25-20, sa pagbubukas ng Season 10 ng Shakey’s V-League First Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Kondisyon si Alyssa Valdez at nagpakawala ng 22 puntos na kinatampukan ng 17 kills at 4 service aces habang ang bagong guest player na si Rachel Ann Daquis ay naghatid ng 12 puntos sa 9 kills at 1 block.
Umabot lamang ng isang oras at 20 minuto ang tagisan at bagamat dikit ang iskor sa tagisan, kontrolado naman ng Lady Eagles ang kabuuan ng laban para hawakan ang 1-0 kalamangan sa Group A sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.
“Di ko expected na three-sets mauuwi ang laro dahil four days pa lang kami nagpa-practice with Rachel kaya nangangapa pa kami with each other. Mabuti na lamang at nakapag-adjust din sa huli. Hindi man maganda sa opensa ang ipinakita ni Rachel, nabawi naman niya ito sa depensa,†wika ni Ateneo coach Roger Gorayeb.
Ang mga dating UST players na sina Rhea DimaÂculangan at Aiza Maizo ang kinuha bilang guest plaÂyers, ngunit ang inasaÂhang magandang chemistry ay hindi nakita matapos ang 26 errors sa tropa ni coach Odjie Mamon.
Bago ang laro, ang ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa ay pinuri ni dating IOC representative sa Pilipinas at POC member Frank Elizalde bilang maÂhusay na ehemplo ng maÂgandang pagtutulungan sa hanay ng private sector at local government.