JV pinaghahanda ang mga atleta para sa SEAG

MANILA, Philippines - Dapat maging handa ang mga national athletes pa­ra sa 2013 Southeast Asian Games.

Ito ang paghihikayat ni San Juan Rep. JV Ejercito Es­trada, isang senatorial can­didate para sa United Na­tionalist Alliance (UNA), pa­ra sa mga atletang bubuo sa Philippine Team na sasabak sa 2013 Myanmar SEA Games sa Disyembre.

Bagamat wala pang pa­hayag kung ilan ang magi­ging bilang ng delegasyon da­hil sa pagbabawas ng Myan­mar sa mga Olympic sports, sinabi ni Ejercito Es­trada na dapat maging han­da pa rin ang mga atleta sa 2013 SEA Games.

“That’s the best thing they can do, to prepare hard,” wika ni Ejercito Estrada.

“So when the competition starts, they can give it their best, and they have to go all-out for flag and country no matter the situation. Their countrymen will be fully supportive of them in their quest for the gold,” dag­dag pa nito.

Nagpanukala kama­ka­ilan si Ejercito Estrada sa Phi­lippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission na magpadala ng ‘lean but mean’ squad sa nasabing biennial meet na nakatakda sa Disyembre 11-22.

“We should focus on training athletes that can win the gold in the SEA Games,” wika ng 43-anyos na legislator na miyembro ng Youth and Sports committee sa House of Representatives.

Ang mga National Sports Associations ang mag­rerekomenda ng ka­nilang mga atleta para sa 2013 SEA Games, ngunit ang POC pa rin ang magde­desisyon kung sino ang da­pat ipadala.

Ang PSC ang gagastos sa paghahanda at pagsa­sanay ng mga national athletes.

Show comments