Thunder inilampaso naman ang Pacers: Lakers nagpalakas sa no. 8 seat
LOS ANGELES -- Nagposte si Kobe Bryant ng 24 points at 9 assists, habang huÂmakot si Pau Gasol ng 19 points para pagbidahan ang 86-84 panalo ng Los AnÂgeles Lakers laban sa MemÂphis Grizzlies at palaÂkaÂsin ang kanilang tsansa sa No. 8 spot sa Western ConÂference Playoffs.
Nagsalpak si Dwight HoÂward ng isang free throw sa naÂtitirang 4.1 segundo para sa Lakers kasunod ang kanÂyang depensa sa tira ni Mike Conley para sa huling pagÂtatangka ng Grizzlies.
Ito ang pangatlong suÂnod na ratsada ng LaÂkers upang patibayin ang kaÂnilang pag-asa sa isang postÂseason spot.
Inangatan ng Los Angeles (40-36) ang Utah (40-37) sa Western Conference.
‘’This is the big push for us,’’ sabi ni Bryant. ‘’We’ve got a very tough stretch, and we’re excited.â€
Tumapos si Howard na may 9 points at 10 reÂbounds, samantalang may tig-13 points naman siÂna Earl Clark at Antawn JaÂmison para sa Lakers na muÂÂling nanalo na wala ang mga may injury na sina Steve Nash at Metta World Peace.
Nakaiwas din ang Los AnÂgeles na mawalis ng MemÂphis sa kanilang season series.
Ang kabiguan ang tumapos sa four-game winning streak ng Grizzlies.
Umiskor si Conley ng 21 points para sa Memphis, ngunit naimintis ang potenÂsÂyal na go-ahead jumper sa huÂling limang segundo at isang layup na binulabog ni Howard sa pagtunog ng fiÂnal buzzer.
Nagtala si Marc Gasol ng 11 points, 8 rebounds at 7 assists para sa Grizzlies sa kanilang pagtatapat ng kanyang kapatid na si Pau.
Sa Indiana, nagtala si KeÂvin Durant ng 34 points at 9 rebounds, habang humaÂkot si Russell Westbrook ng 24 points, 7 rebounds at 9 assists para tulungan ang OkÂlahoma City Thunder sa 97-75 paglampaso sa InÂdiana Pacers.
- Latest