^

PSN Palaro

Gamboa bagong PNSA president

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihalal si Ret. Col. Danilo Gamboa bilang bagong pa­­ngulo ng Philippine National Shooting Association (PN­SA) matapos ang eleksyon kahapon sa kanilang tang­gapan sa Philsports Complex sa Pasig City.

Nauwi sa unanimous decision ang pagkapanalo ng 75-anyos na si Gamboa nang umatras ang naunang ka­tunggali na si Ildefonso Tronqued Jr. na chairman ng da­ting administrasyon.

Si Gamboa ang secretary-general ni dating PNSA president Dr. Mikee Romero na nagpasyang huwag nang tumakbo sa halalan.

Sina Roland Doncillo (vice-chairman) at Maria Mar­cia Cleofas (VP For Internal Affairs) ang iba pang ba­lik-opisyal ng PNSA, habang ang iba pang binigyan ng puwesto mula sa 15-board na nanalo sa halalang gi­na­wa noong Marso 23 ay sina Gabriel Tong (chairman), Ri­chard Fernandez (VP For National Affairs), Raymond Lim­caco (treasurer) at Emerito Concepcion (corporate sec­retary).

Si Aristotle Viray ang inilagay bilang secretary-general.

“This is a unified board dahil halos ang limang aggru­pations ay represented sa officers,” sabi ni Gamboa na nag­silbing national player mula 1977 hanggang 1983 at nanalo ng pilak sa rapid fire noong 1983 Singapore SEA Games.

Una niyang pagtutuunan ay ang pamamahala ng Pi­lipinas sa Southeast Asian Shooting Association (SEA­SA) Championships.

Magtutungo si Gamboa patungong Malaysia para kausapin ang SEASA at Malaysia Shooting Association president Ally T. H. Ong at hilingin na iurong ang hosting da­hil sa pagkakaroon ngayon ng gun ban para sa pagda­raos ng SEA Games sa Myanmar.

vuukle comment

ALLY T

DANILO GAMBOA

DR. MIKEE ROMERO

EMERITO CONCEPCION

FOR INTERNAL AFFAIRS

FOR NATIONAL AFFAIRS

GABRIEL TONG

GAMBOA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with