Aces, Painters pag-aagawan ang liderato

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum) 5:15 p.m. Meralco vs Petron 7:30 p.m. Alaska  vs Rain or Shine

 

MANILA, Philippines - Pag-aagawan ng Aces at ng Elasto Painters ang liderato, samantalang ipaparada naman ng Boosters ang dating sentro ng Georgetown Hoyas na si Henry Simms sa ka­nilang pag­harap sa Bolts.

Haharapin ng Alaska ang Rain or Shine ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Petron Blaze at Meralco sa alas-5:15 ng hapon sa elimination round ng 2013 PBA Com­missioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum. 

Pareho nang nakapasok sa quarterfinal round ang Aces at ang Elasto Pain­ters.

Ang No. 1 at No. 2 teams ang magtataglay ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Magkatabla sa unahan ang Alasa at Rain or Shine mu­­la sa magkapareho ni­lang 8-3 kartada kasunod ang Petron (6-4), Barangay Gi­nebra (6-5), nagdede­pen­sang San Mig Coffee (6-6), Talk ‘N Text (5-6), Air21 (5-7), Barako Bull (4-7) at Globalport (2-9).

Sumasakay ang Elasto Pain­ters sa isang three-game winning run.

Nauna nang tinalo ng Alaska ang Rain or Shine, 83-81, sa kanilang unang pag­tatagpo.

“We want to clinch one of the top two spots with three games remaining. We want to better our last con­ference elims record of 8-6 and lastly we want to prove that our win against them was no accident,” sa­bi ni Aces’ head coach Luigi Trillo.

Show comments