Best Import
Tahimik na pumanaw ang dating PBA import na si Bobby Parks nung Sabado matapos ang pakikipaglaban sa sakit na cancer.
Walang katulad ang 51-anyos na si Parks dahil sa PBA ay siya lang ang kaisa-isang player na nanalo ng Best Import award ng pitong beses.
Isa siyang tunay na Best Import dahil sa kanyang paglalaro sa PBA mula 1987 hanggang 1998 ay naging magandang ehemplo siya para sa lahat.
Nailuklok siya sa PBA Hall of Fame nung 2009.
Pinalad din akong makoberan ang mga laro ni Parks para sa San Miguel at Shell at wala akong maalala na insidente ni minsan na siya ay lumabag sa oath of sportsmanship.
Ni hindi yata nakatanggap ng technical foul at hindi marunong makipag-alitan sa mga referees. Sa labas naman ng court, wala ka rin narinig na negatibo tungkol sa kanya.
Naisip ko ito dahil sa sunud-sunod na kaso na kinasangkutan ng mga PBA imports ngayon.
May isa riyan na nanakal ng teammate, may isa naman na natulog sa bangketa dahil sa kalasingan at ito lang nakaraang linggo ay nanuntok naman ng pulis ang isa.
Kahiya-hiyang mga kilos mula sa imports na dapat ay nagpapakita ng magandang asal sa loob at labas ng basketball court.
Kung nabubuhay pa si Parks ay puwede sana gamitin ng PBA ang kanyang serbisyo bilang isang guidance councilor o disciplinary officer para sa mga imports.
Kayang-kaya sana niÂyang turuan ang mga baguhang imports sa kaÂnilang dapat ikilos habang nasa PBA sila.
Kung baga ay ilalatag ni Parks ang listahan ng do’s and don’ts para sa kanila.
Pero huli na ang lahat. Wala na si Bobby. SaÂyang talaga.
Bakit siya pa?
- Latest