MANILA, Philippines - Lalahok si GM Wesley So sa gaganaÂping 27th Summer Universiade sa Kazan, Russia mula Hulyo 6 hanggang 17.
Tinanggap ng 20-anyos na si So ang pagnomina sa kanya ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) para maging kinatawan ng bansa sa chess sa torneong pinataÂtakbo ng International University Sports Federation (FISU).
“This is the first time I will be competing in the Universiade and I’m excited and looking forward to the tournament,†wika ni So matapos nombrahan ni FESSAP president David Ong.
Si So na mag-aaral ng Webster UniverÂsity at nasa pangangalaga ni WGM Susan Polgar, ay diretsong lilipad mula US patu-ngong Russia.
Gagamitin din ni So ang kompetisyon bilang pinal na paghahanda para sa pagÂlahok sa 2013 World Cup sa Tromso Norway mula Agosto 10 hanggang SetÂyembre 4.
“Wesley’s entry to the Philippine deÂlegation is a tremendous boost since he is our top chess player today,†wika ni Ong.
Hindi bababa sa 11 sports ang sasalihan ng Pilipinas at bukod sa chess, kasali rin ang bansa sa athletics, archery, badminton, basketball, beach volleyball, fenÂcing, swimming, table tennis at weightlifting.
Hanap ng ipadadalang delegasyon na higitan ang isang pilak na napanalunan ng bansa noong nakaraang taon na nilaro sa Shenzhen, China.
Si taekwondo jin Samuel Thomas Morrison ang siyang pinalad na manalo ng medalya para maiwasan ang pagkabokya sana ng ipinadalang delegasyon.