Laro Huwebes
(JCSGO Gym)
12nn Boracay Rum
vs NLEX
2 p.m. Cagayan Valley
vs Fruitas
4 p.m. Café France
vs EA Regen Med
MANILA, Philippines - Walang naging masamang epekto ang 11 araw na pahinga para sa Blackwater Sports nang kanilang durugin ang Informatics, 89-73, sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Gumawa ng 32 puntos si Jeric Teng para sa Icons pero tinabunan ito ng mas magandang pagtutulungan ng mga manlalarong ginamit ni coach Leo Isaac para masolo uli ang ikalawang puwesto sa 4-1 baraha.
Si Pari Llagas ay tumaÂpos bitbit ang 18 puntos at 11 rebounds para paÂngunahan ang 14 na manlalaro na ginamit ng Elite sa labanan.
“Binigyan ko ng minuto ang lahat ng players dahil hindi kakayanin ng mga starters ko na lagi sila ang aasahan sa mga laro. Gusto naming makapasok sa semifinals at sa tingin ko ay malaki ang maitutulong ng mga reserves ko,†wika ni Isaac.
Bumaba sa 1-4 karta ang Icons at ininda nila ang mahinang 33 percent shooting bukod pa sa 18-of-34 buslo sa 15-foot line.
Agad na lumayo ang Elite sa 18-9 sa unang yugto at mula rito ay hindi na nilingon pa ang kalaban para kunin ang ikalawang sunod na tagumpay.
Tambakan ang mga laro kahapon dahil dinurog din ng Cebuana Lhuillier ang baguhang Hog’s Breath, 84-62, sa unang tagisan.
May 4-of-5 shooting sa 3-point line si Alvin Padilla tungo sa 18 puntos habang sina Gab Banal at Paul ZaÂmar ay naghatid ng 14 at 12 at ang Gems ay umangat sa 3-2 baraha at kasalo ngayon ang pahingang Boracay Rum.
Mabisang sandata ng Gems ang walong tres na ginawa sa first half na kung saan ibinaon na nila ang Razorbacks sa 47-27 kalamangan.
“Mahalaga itong panalo na ito dahil kung natalo kami sa ikalawang sunod na laro ay tiyak na maaapektuhan ang laban namin para sa playoffs,†wika ni Gems coach Beaujing Acot.
Si Michael Angelo Lima ay mayroong 12 puntos ngunit ang pambatong si Kevin Racal ay mayroon lamang na dalawang puntos sa 1-of-6 shooting para bumaba sa 1-4 baraha ang bagitong koponan.