Kung pagbabasehan ang kani-kanilang won-lost record hanggang sa puntong ito ng elimination round ng PBA Commissioner’s Cup ay puwedeng sabihin na okay lang para sa Meralco Bolts ang pagkakapamigay nito ng mga manlalaro sa Globalport.
Sa takbo ng mga pangyayari, tila patungo na naman sa kabiguan ang Globalport Batang Pier na may dadalawang panalo pa lang sa 11 games sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup.
Bale mayroon silang eight-game losing skid at kung magpapatuloy ang pagdausdos, aba’y magtatala sila ng panibagong worse record.
Kasi nga, noong nakaraang Philippine Cup ay nagtapos sila nang may 10-game losing streak. So, puwedeng maging 11-game losing streak naman ngayon.
Bagong masagwang record.
Pero may mas maganda silang record.
Kasi nga, sa nakaraang Philippine Cup ay iisang paÂnalo lang ang kanilang naitala at ito’y kontra sa Meralco Bolts.
Ngayon ay dalawang panalo na ang kanilang nairehistro. So, masasabing may katiting na improvement paÂra sa Batang Pier. Pero hindi iyon ang gusto sanang mangyari ni team owner Mikee Romero.
Kasi nga’y ginawa niya ang nararapat na gawin bago nagsimula ang Commissioner’s Cup upang mapalakas ang kanyang koponan.
Una’y nagpalit siya ng coach. Pinanatili niya bilang assistant coach ang dati nilang head coach na si Glenn Capacio at kinuha bilang kapalit si Edmundo “Junel†Baculi.
Maituturing na upgrade iyon dahil sa mas beterano si Baculi. Maraming kampeonato na itong napanalunan sa amateur ranks. At hindi siya bago sa PBA dahil marami na rin siyang nahawakang teams sa pro league.
Nagbalasa ng line-up si Romero.
Kinuha niya si Japeth Aguilar buhat sa Talk ‘N Text at ipinamigay si Rabeh Al-Hussaini. Kinuha rin niya ang leading scorer ng Philippine Cup na si Solomon Mercado buhat sa Meralco Bolts. Kabilang din sa mga nakuha niya sina Yousef Aljamal, Kelly Nabong at Jaypee Belencion.
Kumbaga’y pinalakas ni Romero ang kanyang local line-up. Isang matinding import na lang ang kailangan upang mabuo ang championship chemistry.
Pero hindi dumating ang matinding import na iyon.
Nagsimula ang Globalport na si Justin Williams ang kanilang katulong. Ito’y pinalitan ni Walter Sharpe subalit lasenggo pala ang import na ito. Pinalayas si Sharpe at kinuha si Sylvester Morgan. Hanggang ngayon ay wala pa silang napapanalunan sa tulong ni Morgan.
Tuloy, marami ang nagsasabing dapat ay hindi na lang nagpalit ng import ang Globalport. Dapat ay nanatili na lang si Williams na di hamak na mas magaling kina Sharpe at Morgan.
Hindi scorer si Williams subalit maganda ang kanyang kontribusyon sa mga ibang departments ng laro.
Okay sana iyon kasi napakaraming scorers ng Globalport.
Pero kanya-kanyang pananaw iyan, e. At nais lang naman ng Globalport na maging mas malakas ang kaÂnilang import kaysa sa ibang teams. Pero hindi iyon nangyari.
Nakakapanghinayang!
Pero I’m sure na gagawin ni Romero ang lahat para mas lumakas ang Globalport sa third conference.