MANILA, Philippines - Umiskor si Juan Martin “Bai†Elorde ng isang unanimous decision win laban kay Maxsaisai Sithsaithong ng Thailand para angkinin ang bakanteng World Boxing Organization Asia Pacific super featherweight title kamakailan sa Sofitel Hotel grand ballroom sa Pasay City.
Pinaulanan ni Elorde ng kombinasyon si SithsaiÂthong sa seventh hanggang ninth rounds upang tuluyan nang sikwatin ang nasabing titulo sa idinaos na 13th Gabriel “Flash†Elorde Boxing Awards na gumugunita sa kanyang namayapang lolo.
Ilan sa mga nakapanood ng laban ay ang asawa ni Elorde na si Laura at ang mga magulang ni Bai na sina Liza at Johnny.
Nagbigay sina judges Salven Lagumbay at Greg Ortega ng magkatulad na 98-92 at 97-93 naman ito para kay Gil Co bilang pabor kay Elorde, sa unang pagkakataon ay lumaban sa isang ten-rounder at may 14-1-0 (6 KOs) record ngayon.
Bumaba naman ang marka ni Sithsaithong sa 12-3-0 (3 KOs).
“Malakas din sumuntok yong Thai at medyo napagod din ako dahil first time ko lumaban sa 10 rounds,†sabi ni Elorde sa kanyang binigong Thai boxer.