Football pitch ipapagawa na ng PSC
MANILA, Philippines - Magiging bahagi na ng naÂkalipas ang tagpo na kung saan binabaha ang pitch ng Rizal Memorial FootÂÂball Stadium.
Ito ay matapos tiyakin ni PSC Commissioner Jolly GoÂmez na ipapaayos na ng ahensya ang pitch sa bandang Hunyo.
Ang reaksyon ni Gomez ay matapos bahain ang pitch noong Linggo makaraan ang biglaang pagbuhos ng malakas na ulan.
Ang pangyayari ay umaÂÂni ng pagpuna kina AzÂkals coach Hans Michael Weiss at Fil-German player Stephan Schrock.
“It was different than the last time I played. I was a bit disappointed; it was not what I expected,†wika ni Schrock na naglaro sa field noong 2011 laban sa KuÂwait.
“It’s an absolute embarrassment,†wika ni Weiss. “The people who are handÂling these matters should really think deep because eventually, these players, they lose interest,†pahabol ni Weiss.
Inihayag ni Gomez na handa na ang pagsasaayos ng pitch para maging artificial pitch.
Para matiyak na hindi na ito mangyayari muli, nagdagdag ang PSC ng P5 milyong pondo para bumili ng water absorption system at mas maging maayos ang drainage ng field.
Maging ang track oval na kung saan napag-iipunan ng tubig-ulan ay aayusin din at papantayin.
“The inside lane will also be renovated to level the drainage of the field. The siÂtuation last Sunday will not happen with this new field,†pagtitiyak ni Gomez.
- Latest