Rain or Shine target ang quarterfinals berth

Laro Ngayon

(SM MOA Arena, Pasay City)

4:15 p.m. Rain or Shine vs Air21

6:30 p.m. San Mig vs Barako Bull

 

MANILA, Philippines - Matapos ang Aces, ang Elasto Painters naman ang susungkit sa isang quarterfinals ticket.

Haharapin ng Rain or Shine ang mainit na Air21 ngayong alas-4:15 ng hapon kasunod ang sal­pukan ng nagdedepensang San Mig Coffee at Ba­rako Bull sa alas-6:30 ng gabi sa pagpapatuloy ng elimination round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup sa SM MOA Arena sa Pa­say City.

Tinalo ng Elasto Pain­ters ang Express, 99-97, sa kanilang unang pagkikita noong Pebrero 27.

Sa nasabing panalo, pinuwersa ng Rain or Shine si Air21 point guard Mike Cortez sa isang krusyal na turnover matapos pasahan nang wala sa lugar si import Michael Dunigan sa pagtunog ng final buzzer.

Umiskor ang Elasto Painters ng malaking 116-85 pagtambak sa Talk ‘N Text Tropang Texters bago ang Semana Santa, habang kasalukuyan namang nasa isang four-game winning streak ang Express.

Tangan ng Alaska ang liderato mula sa kanilang 8-3 baraha kasunod ang Rain or Shine (7-3), Petron Blaze (6-4), Talk ‘N Text (5-5), Air21 (5-5), San Mig Cof­fee (5-5), Barangay Gi­nebra (5-5), Meralco (5-5), Barako Bull (3-7) at Globalport (2-9).

Muling ibabandera ng Elasto Painters si 7-foot-3 Croatian reinforcement Bruno Sundov na nagtatala ng mga averages na 21.1 points, 11.9 rebound at 1.4 assists per game laban kay Dunigan.

Sa ikalawang laro, su­subukan namang kumawala ng Mixers mula sa isang five-way tie sa pagsagupa sa minamalas na Energy Co­la.

 Binigo ng Barako Bull ang San Mig Cofee, 79-74, sa kanilang unang pagtatagpo noong Pebrero 8 kung saan naglaro ang Mi­­­xers na walang import ma­­tapos maospital si Matt Ro­­­gers dahil sa food poiso­ning.

Samantala, kukunin na­man ng Boosters si da­ting Georgetown Hoyas slot­man Henry Sims.

Ang 6’10 na si Sims ay kasalukuyang naglalaro para sa Erie BayHawks  sa NBA D-League.

Handa umano ang SMC na bayaran ang kon­trata ni Sims para maka­pag­laro sa Petron.

Nang mapatawan si im­port Renaldo Balkman ng lifetime ban ay hinugot ng Boosters si dating Energy Cola reinforcement Rodney White.

 

Show comments