James nagbida sa panalo laban sa Hornets: Heat balik sa porma

NEW ORLEANS -- Dalawang gabi matapos mawakasan ang kanilang 27-game winning streak, handa na naman si Le-Bron James at ang Miami Heat na muling magsimula ng panibagong ratsada.

Umiskor si James ng 36 points, tampok dito ang anim na magkakasunod na 3-pointers sa loob ng anim na minuto sa first half, para igi­ya ang Heat sa 108-89 panalo laban sa New Or­leans Hornets no­ong Bi­yernes ng gabi.

Nagmula ang Heat sa kabiguan sa Chicago kontra sa Bulls na siyang pumi­gil sa kanilang 27-game win­ning streak noong Miyerkules ng gabi.

Ang panalo ng Heat laban sa Hornets ang nagbigay sa kanila ng top seed para sa Eastern Confe­rence Playoffs.

Tumapos si James na may pitong 3-pointers at isa na la­mang ang kulang para ma­pantayan ang kanyang ca­reer-high, habang nag­dag­dag si Dwyane Wade ng 17 points at 7 assists para sa Heat.

Nag-ambag naman si Norris Cole ng 12 points at may 10 si Chris Bosh.

Matapos isalpak ang kanyang pang-limang tres na nagbigay sa Heat ng 42-27 abante, naglakad si James sa gilid ng court, ini­unat ang kanyang mga bra­so at humiling ng pa­lakpak mula sa mga ma­nonood.

‘’That was my appreciation,’’ sabi ni James. ‘’I was letting them know I heard them.’’

Tumipa naman si Ryan Anderson ng 20 points mu­la sa bench para sa Hor­nets, habang may 17 si Eric Gordon at nagtala si Al-Farouq Aminu ng career high na 16 rebounds.

Sa Minneapolis, ginitla ng Timberwolves ang Oklahoma City Thunder, 101-93.

Humakot si Nikola Pekovic ng 22 points at 15 rebounds at nagtala si Ricky Ru­bio ng 17 points at 7 assists para sa pananaig ng Timberwolves kontra sa Thunder.

Show comments