James nagbida sa panalo laban sa Hornets: Heat balik sa porma
NEW ORLEANS -- Dalawang gabi matapos mawakasan ang kanilang 27-game winning streak, handa na naman si Le-Bron James at ang Miami Heat na muling magsimula ng panibagong ratsada.
Umiskor si James ng 36 points, tampok dito ang anim na magkakasunod na 3-pointers sa loob ng anim na minuto sa first half, para igiÂya ang Heat sa 108-89 panalo laban sa New OrÂleans Hornets noÂong BiÂyernes ng gabi.
Nagmula ang Heat sa kabiguan sa Chicago kontra sa Bulls na siyang pumiÂgil sa kanilang 27-game winÂning streak noong Miyerkules ng gabi.
Ang panalo ng Heat laban sa Hornets ang nagbigay sa kanila ng top seed para sa Eastern ConfeÂrence Playoffs.
Tumapos si James na may pitong 3-pointers at isa na laÂmang ang kulang para maÂpantayan ang kanyang caÂreer-high, habang nagÂdagÂdag si Dwyane Wade ng 17 points at 7 assists para sa Heat.
Nag-ambag naman si Norris Cole ng 12 points at may 10 si Chris Bosh.
Matapos isalpak ang kanyang pang-limang tres na nagbigay sa Heat ng 42-27 abante, naglakad si James sa gilid ng court, iniÂunat ang kanyang mga braÂso at humiling ng paÂlakpak mula sa mga maÂnonood.
‘’That was my appreciation,’’ sabi ni James. ‘’I was letting them know I heard them.’’
Tumipa naman si Ryan Anderson ng 20 points muÂla sa bench para sa HorÂnets, habang may 17 si Eric Gordon at nagtala si Al-Farouq Aminu ng career high na 16 rebounds.
Sa Minneapolis, ginitla ng Timberwolves ang Oklahoma City Thunder, 101-93.
Humakot si Nikola Pekovic ng 22 points at 15 rebounds at nagtala si Ricky RuÂbio ng 17 points at 7 assists para sa pananaig ng Timberwolves kontra sa Thunder.
- Latest