^

PSN Palaro

Fil-Ams may tsansang mapasama sa National team

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi lamang ang mga local players kundi ma­ging ang mga Fil-Ams ay magkakaroon ng pagkakataon na mapasama sa binubuong National team sa volleyball.

Sa programang inilatag ng National Team Task Force, kasama sa kanilang plano ay ang magpa-tryouts sa mga Fil-Americans sa hangaring mapalakas ang bubuuing koponan.

Ang Task Force ay pina­ngungunahan ng dating Philippine Volleyball Fede­ration (PVF) secretary-ge­neral Vangie de Jesus at hangad nilang makabuo ng solidong women’s National team na maaaring ilaban sa malalaking kompetisyon sa labas ng bansa.

“Ang ginagawa natin dito ay makabuo ng Natio­nal women’s team dahil wala tayong team sa loob ng ilang taon. Ito ang dahi­lan kung bakit noong 2005 SEA Games lamang nakasali ang Pilipinas at sa sumunod na tatlong SEAG ay wala tayong naipadala,” wika ni De Jesus.

Ang paglahok sa 27th SEA Games sa Myanmar ang isa sa kanilang target pero ang mas malaking plano ay ang maipasok uli ang bansa sa World Championship.

Sa ngayon ay puspusan ang 30 manlalaro na bumubuo sa pool sa ka­ba­baihan sa pagsasanay dahil plano silang isali sa World Championship qualification sa Hunyo 10 hanggang 16 sa di pa malamang venue.

“Prestigious tournament itong World Championships at noon pang 1974 nakasali ang Pilipinas. Kaya ito ang isa sa nais nating magawa,” ani pa ni De Jesus.

Bago ito ay hahatiin ang kasapi ng pool para lumahok sa dalawang kompetis­yon sa Mayo.

Isang training camp mu­na sa Thailand ang ga­gawin para matiyak na nasa kondisyon ang mga panlaban sa Philippine National Games sa Manila sa Mayo 25 hanggang Hunyo 1 na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at sa  Thailand 1st  Division Volleyball Championship mula Mayo 25 hanggang 31.

Plano rin ang pagpapadala ng koponan sa 17th Asian Women’s Volleyball Championship sa Thailand mula Setyembre 13 hanggang 21.

Nananalig si De Jesus na maisasakatuparan nila ang lahat ng plano kahit patuloy na kinikilala pa ng Philippine Olympic Committee (POC) ang liderato ni Gener Dungo bilang pa­ngulo ng samahan.

ANG TASK FORCE

ASIAN WOMEN

DE JESUS

DIVISION VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

GENER DUNGO

HUNYO

NATIONAL TEAM TASK FORCE

SHY

WORLD CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with