^

PSN Palaro

‘Di garantiya ang 6-dikit na panalo hanggang playoffs San Miguel minaliit ni Purves

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Minaliit ng nagdedepensang Indonesia Warriors ang mainit na pagla­laro ng San Miguel Beer­men sa 4th ASEAN Basketball League.

May anim na sunod na panalo ang Beermen para makapantay sa tuktok ng anim na koponang liga ang Warriors sa 9-3 karta.

Aminado si Warriors coach Todd Purves na ma-lakas ang San Miguel Beer  sa ngayon pero hindi ito garantiya na magtutuluy-tuloy ito hanggang sa Playoffs.

Binalikan din niya ang nangyari noong nakaraang taon na kung saan maaga ring namayagpag ang Beermen pero kinapos sa  Finals matapos talunin ng Warriors sa kanilang best-of-three series.

“You can infer whatever you like at this point.  Make no mistake about it. They were the best team in the league this time last year,” wika ni Purves sa Fox Sports.

“The big games aren’t played till June,” dagdag pa ni Purves.

Triple-round robin ang format sa ABL elimination at nakatatlong pagtutuos na ang Beermen at Warriors na kung saan ang bataan ni coach Leo Austria ang nanalo sa head-to-head sa 2-1 baraha.

Magkakaroon ng pagkakataon ang Warriors na solohin uli ang paghawak sa liderato sa pagharap sa Chang Thailand Slammers kagabi sa Indonesia.

Sa kabilang banda, ang Beermen na huling nasa­lang sa aksyon laban sa Singapore Slingers noong Marso 24, 68-61, ay sa Abril 6 pa ang balik sa court laban sa Slingers na gagawin sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

CHANG THAILAND SLAMMERS

FOX SPORTS

INDONESIA WARRIORS

LEO AUSTRIA

PASIG CITY

PURVES

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with