Milo Checkmate tutungo sa Ilocos Region

MANILA, Philippines - Tutungo ang mga Check­mate coaches sa Ilocos Region at Baguio para pasimulan ang 2013 Milo Checkmate summer chess clinic.

Mangunguna si two-time Olympian WNM Mila Emperado sa mga magtuturo sa clinic na gagawin sa Abril 2.

Ito ang unang provincial clinic ng Checkmate at gagawin ito sa tatlong magagarang malls sa Ilocos Region. Ang mga ito ay sa CB Mall Urdaneta, Nepo Mall Dagupan at Stern Mall Candon sa Abril 3 hanggang 5 mula ika-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ang Baguio clinic ay itinakda sa Abril 6-8 sa Baguio Center Mall.

Babalik sa Metro Manila ang clinic at sa loob ng dalawang linggo mula Abril 8 at 9 ay gagawin ito sa Quezon City, Manila, Marikina, Makati, Mandaluyong, Greenhills, Kalookan, Las Piñas, Parañaque, Alabang, Muntinlupa at Bacoor.

Sa mga magnanais na sumali, maaari silang ma­kipag-ugnayan sa 0922-822-6319 at 0935-370-8808. Maaari ring magtu­ngo sa Facebook fun page na Milo Checkmate Chess Clinic at Sports Academy.

Show comments