MANILA, Philippines - Hinirang sina Cameron Norrie at Ipek Soylu bilang mga kauna-unahang kampeon mula New Zealand at Turkey sa taunang Mitsubishi Lancer International Junior Championships matapos talunin ang mga nakalaban sa Finals kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Naisantabi ng third seed na 17-anyos mula Auckland na si Norrie ang pangangapa sa serve game sa ikalawang set tungo sa 6-2, 6-4, panalo laban sa fourth seed na si Luke Bambrigde ng Great Britain at kunin ang boys’ singles title
“I had a good game in the first set but in the second set, I struggled to make my first serve. I got broke a few times and luckily, the last game I played well to close the match,†wika ng 6’2 at kaliweteng netter na si Norrie noong nakaraang taon ay sumali rin sa torneo pero napatalsik sa second round.
Napahirapan naman si Soylu na bumangon mula sa 0-2 iskor sa ikatlo at huling set para makuha ang 6-2, 4-6, 6-3, panalo laban sa 13th seed na si Katie Boulter ng Great Britain.
Nagkita ang dalawa sa Finals sa 21st Sarawak Chief Minister’s Cup noong nakaraang linggo at inuwi ng16-anyos na si Soylu ang 6-7(8), 6-2, 6-1, panalo.
“I hope to be back next year. I enjoyed my stay and the organization was good,†ani pa ni Soylu.