^

PSN Palaro

Norrie, Soylu dinomina ang 24th Mitsubishi netfest

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinirang sina Cameron Norrie at Ipek Soylu bilang mga kauna-unahang kampeon mula New Zealand at Turkey sa taunang Mitsubishi Lancer International Junior Championships matapos talunin ang mga nakalaban sa Finals kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Naisantabi ng third seed na 17-anyos mula Auckland na si Norrie ang pangangapa sa serve game sa ikalawang set tungo sa 6-2, 6-4, panalo laban sa fourth seed na si Luke Bambrigde ng Great Britain at kunin ang boys’ singles title

“I had a good game in the first set but in the second set, I struggled  to make my first serve. I got broke a few times and luckily, the last game I played well to close the match,” wika ng 6’2 at kaliweteng netter na si Norrie noong nakaraang taon ay sumali rin sa torneo pero napatalsik sa second round.

Napahirapan naman si Soylu na bumangon mula sa 0-2 iskor sa ikatlo at huling set para makuha ang 6-2, 4-6, 6-3, panalo laban sa 13th seed na si Katie Boulter ng Great Britain.

Nagkita ang dalawa sa Finals sa 21st Sarawak Chief Minister’s Cup noong nakaraang linggo at inuwi ng16-anyos na si Soylu ang 6-7(8), 6-2, 6-1, panalo.

“I hope to be back next year. I enjoyed my stay and the organization was good,” ani pa ni Soylu.

vuukle comment

CAMERON NORRIE

GREAT BRITAIN

IPEK SOYLU

KATIE BOULTER

LUKE BAMBRIGDE

MITSUBISHI LANCER INTERNATIONAL JUNIOR CHAMPIONSHIPS

NEW ZEALAND

NORRIE

RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER

SOYLU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with