MANILA, Philippines - Binigyan ng kredito ng La Salle ang UST sa kung bakit nagtagumpay sila na mawakasan ang 14 na taong dominasyon ng huli sa senior division ng 75th UAAP season.
“UST is the bench mark in UAAP. Because of UST, it has given us the goal to reach where they are,†wika ni Bro. Bernie Oca nang paÂngunahan ang pulong pambalitaan na ginawa noÂong Sabado ng gabi sa Marina Restaurant sa SM West.
Limang taong nagtiyaÂga ang La Salle na maÂkabuo ng magandang progÂrama at taun-taon ay nirerebisa nila ito para malaman kung saan puwedeng pag-ibayuhin para makasabay sa Tigers.
Sa natapos na season tuluyang nakamit ng Archers ang inasam na tagumpay nang talunin nila ang UST sa overall title sa senior division bitbit ang 293 puntos. Ang Tigers ay nakontento sa ikalawang puwesto sa 277 puntos.
“We really want to thank UST for giving us the opportunity to get out of our comfort zone. They push us to where we can go,†dagdag ni Oca.
Pangarap ngayon ng La Salle na maipagpatuloy ang pagtangan ng titulo sa 76th season ngunit hindi ito magiging madali dahil lahat ng kasaling koponan ay magsisikap din lalo pa’t naipakita ng La Salle na kayang maging over-all champion basta’t pagsisikaÂpan.
Hindi rin magpapabaya ang Archers na patuloy na palalakasin ang mga sports na dinomina habang pagtitibayin ang mga larong mahina sila tulad ng baseball at softball.
Ipinagmalaki ni Oca na may mga dating mag-aaral na may karanasan sa paglalaro ng baseball at softball ang nagpasabi ng kahandaan na tulungan ang kanilang koponan na maging palaban sa 76th season.
Ito na ang huling taon din ni Oca sa La Salle dahil mauupo na siya bilang pangulo ng La Salle Zobel sa Hunyo.