MANILA, Philippines - Tutulong si Manny Pacquiao sa gastusin sa gagawing Asian Continental Individual Championship na qualifier para sa World Cup of Chess sa Norway.
Ang torneo ay idaraos mula Abril 27 hanggang 29 sa Midas Hotel sa Pasay City at itinuturing ni National Chess Federation Philippines (NCFP) president Prospero Pichay ang tatlong araw na torneo bilang pinakamalaki dahil ang maÂngungunang limang chessers ay aabante sa World Cup sa susunod na taon.
Hindi binanggit ni Pichay ang halaga na ibibiÂgay ng kinatawan ng Sarangani pero sapat ang tulong para makaengganyo ng bigating chess players sa rehiyon.
“Congressman Pacquiao has agreed in principle his contribution, but I don’t want to preempt him. But I tell you, the coming Asian Continental could be one of the biggest, if not the biggest, in terms of prizes and participation as well,†wika ni Pichay.
May 17 bansa sa paÂngunguna ng India, China, Kazakhstan, Uzbekistan, Iran at Vietnam, ang maÂkikipagtuos sa pambato ng Pilipinas na magnanais na dagdagan ang mga lahok sa World Cup.
Dalawa pa lamang ang entrada ng NCFP sa prestihiyosong torneo na kinakatawan nina GMs Wesley So at Oliver Barbosa.