^

PSN Palaro

Pacquiao popondohan ang hosting ng ACIC chessfest

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tutulong si Manny Pacquiao sa gastusin sa gagawing Asian Continental Individual Championship na qualifier para sa World Cup of Chess sa Norway.

Ang torneo ay idaraos mula  Abril 27 hanggang 29 sa Midas Hotel sa Pasay City at  itinuturing ni National Chess Federation Philippines (NCFP) president Prospero Pichay ang tatlong araw na torneo bilang pinakamalaki dahil ang ma­ngungunang limang chessers ay aabante sa World Cup sa susunod na taon.

Hindi binanggit ni Pichay ang halaga na  ibibi­gay ng kinatawan ng Sarangani pero sapat ang tulong para makaengganyo ng bigating chess players sa rehiyon.

“Congressman Pacquiao has agreed in principle his contribution, but I don’t want to preempt him. But I tell you, the coming Asian Continental could be one of the biggest, if not the biggest, in terms of prizes and participation as well,” wika ni Pichay.

May 17 bansa sa pa­ngunguna ng India, China, Kazakhstan, Uzbekistan, Iran at Vietnam, ang ma­kikipagtuos sa pambato ng Pilipinas na magnanais na dagdagan ang mga lahok sa World Cup.

Dalawa pa lamang ang entrada ng NCFP sa prestihiyosong torneo na kinakatawan nina GMs Wesley So at Oliver Barbosa.  

 

ASIAN CONTINENTAL

ASIAN CONTINENTAL INDIVIDUAL CHAMPIONSHIP

BUT I

CONGRESSMAN PACQUIAO

MIDAS HOTEL

NATIONAL CHESS FEDERATION PHILIPPINES

OLIVER BARBOSA

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with