4 na sunod na ratsada sa Express

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. Barako Bull vs Ginebra

6:30 p.m. Talk ‘N Text vs Rain or Shine

Russell Cadayona

 

MANILA, Philippines - Mula sa isang 14-point deficit sa first period ay bumalikwas ang Express para pitasin ang kanilang ikaapat na sunod na panalo.

Nakakuha ng 22 points kay import Michael Dunigan at tig-14 kina Niño Canaleta at Mike Cortez, pinayukod ng Air21 ang Globalport, 87-72, para angkinin ang pang-limang posisyon sa elilination round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“I guess we’re quite lucky ‘coz everytime we play Globalport they have a new import,” sabi ni Express’ head coach Franz Pumaren sa Batang Pier na nagparada kay Sylvester Morgan bilang kapalit ni Walter Sharpe.

Sa likod ng kanilang four-game winning streak, pinaganda ng Air21 ang kanilang kartada sa 5-5 sa ilalim ng Alaska (7-2), Petron Blaze (6-3), Rain or Shine (6-3) at Talk ‘N Text (5-4) kasunod ang Barangay Ginebra (4-5), Meralco (4-5), nagdedepensang San Mig Coffee (4-5), Barako Bull (3-6) at Globalport (2-8).

Nagtayo ang Batang Pier, nalasap ang kanilang pang-pitong sunod na kamalasan, ng isang 14-point lead, 29-15, sa first period hanggang makalapit ang Express sa halftime, 34-41.

Nagtuwang sina Duni­gan, Canaleta, Cortez at Bitoy Omolon sa third quarter para ibigay sa Air21 ang isang 10-point advantage, 52-42.

Nakalapit naman ang Globalport sa 51-57 agwat sa dulo ng nasabing yugto sa likod nina Morgan at Sol Mercado.

Ngunit pagdating sa final canto ay hindi na nagpabaya ang Express nang iposte ang isang 19-point lead, 74-53, mula sa isang three-point play ni Omolon.

Air21 87 - Dunigan 22, Canaleta 14, Cortez 14, Omolon 13, Arboleda 12, Ritualo 6, Isip 4, Wilson 2, Sena 0, Baclao 0, Menor 0, Custodio 0.

Globalport 72 - Morgan 23, Miller 16, Aguilar 11, David 9, Mercado 8, Lingganay 3, Yee 2, Mandani 0, Salvador 0, Adducul 0, Antonio 0.

Quarterscores: 13-20; 34-41; 62-51; 87-72.

 

Show comments