Phobia kay Cone?
Namamayagpag man ang Alaska Milk sa kasalukuÂyang PBA Commissioner’s Cup, somehow ay mayroon pa ring kulang na dapat ay makamtan ng Aces.
Ito’y walang iba kundi ang makapagposte ng panalo kontra sa San Mig Coffee, ang koponang ngayo’y hawak ng dati nilang head coach na si Tim Cone.
Magugunitang mahigit sa dalawang dekadang hiÂnaÂwakan ni Cone ang Aces na iginiya sa tagumpay kabilang na ang isang Grandslam. Pero iniwan ni Cone ang Alaska Milk bago nag-umpisa ang 37th season ng PBA. Lumipat siya sa San Mig Coffee na dating B-Meg at Purefoods.
Natural na sa tuwing magtatagpo ang San Mig CofÂfee at Alaska Milk ay palaging sub-pasak si Cone. Tinitingnan ng lahat kung ano ang magiging performanÂce niya kontra sa dati niyang koponan.
So far, matagumpay si Cone. Hindi pa siya tinatalo ng mga dati niyang bata.
Hanggang noong Marso 6 ay muling dinaig ng San Mig Coffee ang Alaska Milk, 75-68. Doon napatid ang five-game winning streak ng Aces.
Master na master nga ba ni Cone ang Alaska Milk?
So far, so good.
Kaya naman mamaya, pag-uusapan na naman ng lahat ang paksang ito dahil sa magtatagpong muli ang Mixers at Aces sa ganap na 8-pm sa Smart Araneta Coliseum.
Misyon ng Aces na tapusin na ang dominasyon ng Mixers sa kanila upang patuloy nilang matanganan ang solo liderato. Hangad naman ng Mixers na patuloy na dominahin ang Aces upang makabangon buhat sa 87-82 kabiguang nalasap nila sa kamay ng Air21 noong Miyerkules.
Sino sa kanilang dalawa ang magtatagumpay?
Sa ngayon, mas kailangan ng San Mig Coffee ang panalo dahil sa naghahabol ang Mixers. May 4-5 record sila at nasa ikaanim na puwesto kasama ng Air21 Express. Kapag natalo sila, dadausdos sila pababa at magdedelikado ang tsansang makapasok sa quarterfinals.
Masagwa naman iyon dahil sa defending champion ang San Mig Coffee. Tapos matsutsugi kaagad?
So inaasahan ng karamihang ibayong intensity ang ipapamalas ng San Mig Coffee kahit pa hindi makapagÂlalaro si Joe Calvin deVance bunga ng huper-entended knee. At kahit pa binabagabag ng Kris Aquino issue ang two-time Most Valuable Player na si James Yap.
Kailangang-kailangan nila ng panalo.
Oo’t hindi desperado ang Aces dahil sa kahit matalo sila’y nandoon pa rin sila sa itaas, ayaw na ni coach LuiÂgi Trillo na magpatuloy ang bangungot sa tuwing magtatagpo sila ni Cone.
Kumbaga sa dating magsyota, nais na ng Alaska Milk na mag-move on. Nais na ng Aces na ipakita sa lahat na nakalimutan na nila si Cone. Nais nilang ipaÂkita sa lahat na kaya nilang talunin si Cone at ang koponan nito.
Kasi nga, mentras na tinatalo sila ni Cone, lalong tumitindi ang phobia nila kapag nakakaharap nila ang San Mig Coffee.
Oo’t nanggigigil sila. Pero iba ang epektong idinuÂdulot ng panggigigil na iyon, e. Nakakawala ng konsenÂtrasyon.
Kung makakaisa ang Alaska Milk mamaya, masaÂsabing tuluyan na ngang tapos ang panahon at impluwensiya ni Cone sa Aces.
- Latest