MANILA, Philippines - Matapos si Marcus Douthit, may dalawa pang maaaring maging naturaÂlized import ang Gilas Pilipinas.
Ang mga ito ay sina Michael Dunigan ng Air21 at Denzel Bowles ng San Mig Coffee.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na hindi magiÂging madali ang proseso sa pagkuha ng Filipino citizenÂship nina Dunigan at Bowles.
“Even before d Conf began (Air21) coach Franz (Pumaren) & I already talked about Dunigan as backup naturalized player. Air21 management also agreed, but it needs and act of Congress. There’s a law to be followed, unlike other (countries) where there’s instant citizenship. Here it takes more than a yr,†ani Reyes kahapon.
Ang 6-foot-11 na si DoutÂhit ang nag-iisang naturalized player ng NatioÂnals.
Nauna na ring tinangka ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na hugutin si 7’1 Javale McGee ng Denver Nuggets noong nakaraang taon.
Ngunit malaking insuÂrance ang hiningi ng Nuggets bago siya payagang makalaro sa Gilas Pilipinas sakaling magkaroon ito ng injury.
Ang 6’9 at 23-anyos na si Dunigan ang kasalukuÂyang leading scorer ng2013 PBA Commissioner’s Cup mula sa kanyang average na 26.3 points.