Turkmenistan vs Cambodia ngayon: Dagdag na 2 araw na pahinga nakaganda sa Azkals
MANILA, Philippines - Gagamitin ng Azkals ang dagdag na dalawang araw na pahinga para mas magamayan ng mga baÂgong Fil-Foreigners ang klima, oras at istilo ng pagÂlaÂlaro ng koponan.
Opisyal na inihayag kahapon sa pulong pambalitaan ang pag-atras ng dapat ay ikaapat na koponan na kasali na Brunei upang maurong ang laro ng Azkals.
Dahil sa pangyayari ang Azkals ay magbubukas ng kampanya sa AFC Challenge Cup Group E Qualifiers na gagawin sa Rizal Memorial Football Stadium sa Linggo laban sa Cambodia.
Sa Martes naman gagawin ang mahalagang tagisan kontra sa Turkmenistan na magdedetermina kung sino ang mangunguna sa kompetisyon at magkakaroon na ng tiket sa 2014 AFC Challenge Cup sa Maldives.
Opisyal na itataas ang telon ng palaro ngayong alas-4:30 ng hapon sa pagtagisan ng Turkmenistan at Cambodia.
“We have full confidence in the team and we will try to make the best is this situation,†wika ni Azkals coach Hans Michael Weiss.
Ang Turkmenistan na tuÂmalo sa Pilipinas sa semifinals sa 2012 Challenge Cup sa Nepal, ang siyang mortal na kalaban ng Azkals at inihayag ng coach nito ang kahandaan na hiyain ang Pambansang koponan sa harap ng kanilang mga kababayan.
Mahalaga na malagay ang sinumang bansa sa unang puwesto sa grupo dahil hindi pa batid kung paano dedeterminahin ang puntos na makukuha ng papangalawang koponan.
Sa format ng kompetisÂyon, ang mangungunang limang bansa sa qualifiers ang papasok na sa MaldiÂvez habang ang dalawang bansa na may pinakamataas na puntos ang makakaÂsama rin sa 2014.
Ang apat na qualifiers ay nilahukan ng apat na bansa kaya’t dedesisyunan pa ng AFC competition committee kung paano bibigyan ng puntos ang papangalawa sa kompetisyon lalo nga’t tatlo lamang ang naglalaro.
- Latest