Magpapa-drug test pa rin sa VADA Donaire nilayasan ni Conte

MANILA, Philippines -  Bagamat iniwanan ni nutritionist at anti-doping advocate Victor Conte, ipagpapatuloy pa rin ni unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. ang kanyang pagsailalim sa anti-doping program ng Voluntary Anti-Doping Association.

“Regardless of my current standing of my relationship with Victor, I will still be actively enrolling myself in VADA and subjecting myself to 24/7/365 drug testing,” wika ni Donaire kay Conte.

Si Conte, dating naging kontrobersyal dahil sa kanyang anti-doping advocacy, ang siyang nagbibigay kay Donaire ng mga blood-testing at hypoxic training equipment bukod pa ang pangangalaga sa kanyang kalusugan.

“I quit. I’m done working with Nonito. It was entirely my decision,” sabi ni Conte sa kanyang pag-alis sa kam­po ni Donaire.

Maliban kay Conte, uma­lis na rin sa Team Do­naire si world-class sprint coach Remi Korchemny.

Inaasahang magkakaroon ng epekto ang pag-alis nina Conte at Korchemny sa paghahanda ni Donaire para sa kanilang unification fight ni Cuban titlist Guil­lermo Rigondeaux sa Abril 14 (Manila time) sa Radio City Music Hall sa New York.

Show comments