MANILA, Philippines - Nanumbalik ang gilas ng paglalaro ni Alberto Lim sa mahalagang ikatlong set para iuwi ang 6-2, 3-6, 6-2, panalo laban kay French qualifier Ronan Joncour sa pagbubukas kahapon ng 24th Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.
Nagawang i-adjust ni Lim ang kanyang laro upang bawiin ang momen-tum kay Joncour na tila handa ng dominahin ang 13-anyos, two-time NCAA juniors MVP, matapos manalo sa second set.
“Nag-relax ako sa seÂcond set kaya sumama ang laro ko. May crucial double faults ako na kung hindi nangyari ay nakuha ko ang second set. Pero nag-adjust ako sa third set para manalo,†wika ni Lim na sariwa pa sa panalo sa dalawang leg na Ajay Pathak Memorial Cup.
Ito ang unang pagkakataon na nasali si Lim sa torneo ay nakuha niya ang unang panalo sa isang Grade I tournament. Sisikapin niyang dugtungan ito ngayon sa pagharap sa 14th seed na si Duck Hee Lee ng Korea na nag-bye sa first round.
Si Lim lamang ang kuminang sa mga naunang siyam na manlalaro ng bansa sa kalalakihan at kababaihan dahil ang iba ay namaalam na.
Lumasap si Andrew Joshua Cano ng 2-6, 3-6, pagkatalo kay Akira Santillan ng Australia, si Dave Sebastian Mosqueda ay yuko kay Nam Hoang Ly ng VietÂnam, 2-6, 0-6; luhaan si Betto Daniele Orendain kay Alexander Klintcharov ng New Zealand, 4-6, 2-6; si Eric Olivarez Jr. ay talo kay Jamie Malik ng Great Britain, 1-6, 4-6; at si Marcen Angelo Gonzales ay yumuko kay Kuan-Yi Lee ng Chinetse Taipei, 3-6, 4-6, sa kalalakihan.