^

PSN Palaro

Bakers lusot sa icons waves wagi sa Giants

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro bukas

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

12 n.n.  Cebuana Lhuillier vs NLEX

2 p.m.  Fruitas Shakers

vs Blackwater Sports

4 p.m. EA Regen Med

vs Hogs Breath Café

MANILA, Philippines - Nagtrabaho ang Boracay Rum sa ikatlong yugto para ang mahigpitang tagisan sa first half ay nauwi sa 87-67 panalo sa Jumbo Plastic sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Jeff Viernes ay nag­hatid ng 18 puntos at 11 rito ay ginawa sa ikatlong yugto na kung saan umiskor ang Waves ng 28 puntos at ang 37-38 iskor sa halftime ay naging 65-50 bentahe papasok sa huling yugto.

May 13 puntos pa si Jay­mo Eguilos habang anim pang manlalaro ng Waves ang nagsanib sa 50 puntos upang kunin ng tropa ni coach Lawrence Chongson ang ikalawang sunod na panalo matapos ang tatlong laro.

“My boys picked up their game in the third period. But we haven’t accomplished anything yet and our acid test will be against Big Chill next week,” wika ni Chongson.

Bumaba sa 1-2 baraha ang Giants na pinamunuan uli ni Aljon Mariano sa kanyang 14 puntos.

Nasayang ang malakas na laro sa first half  ng Giants nang magtala lamang ng 10-of-36 shooting sa ikatlong yugto at hindi na sila nakabangon mula rito.

Sinandalan naman ng Café France ang husay ng guard na si Raymund Maconocido para makumpleto ang 84-77 come-from-behind panalo sa Informatics sa isa pang laro.

Naghatid ng walong puntos sa overtime si Maconocido upang maitabla ng Bakers ang baraha sa 1-1.

Bumaba ang Icons sa 0-2 at nasayang ang naipundar na 11 puntos ka­lamangan, 56-45, sa pag­tatapos ng tatlong yug­to dahil sa nanlamig ang kanilang opensa.

ALJON MARIANO

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

BUMABA

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

FRUITAS SHAKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with