MANILA, Philippines - Sa gabing gugunitain ang ika-78th kaarawan ni Gabriel “Flash†Elorde, isa sa dalawa niyang apo na pumasok sa professional boxing ang magsisikap na maipakita ang angking husay sa ring.
Si Juan Martin na kilala rin sa taguring “Baiâ€, ay sasaÂlang sa aksyon laban sa Thai boxer na si Maxsaisai Sithsaithong sa Sofitel Ballroom sa Marso 25.
Sampung rounds itinakÂda ang laban at ang manaÂnalo ay kikilalanin bilang WBO Asia Pacific super featherweight champion.
“Magandang laban ito,†wika ng 28-anyos na si Elorde na nakasama ng kanÂyang mga magulang na sina Johnny at Liza at daÂlawa pang boksingero na naging panauhin sa PSA Forum kahapon sa ShaÂkey’s Malate.
“Handang-handa ako sa laban at tatlong buwan akong nagsanay para rito,†dagdag nito.
Aminado siyang may pressure na nararamdaman dahil alam niyang mataas ang ekspektasyon sa kanya ng mga mahihilig sa boxing dahil sa ipinakitang husay ng kanyang lolo.
Bukod kay Juan Martin, ang mas batang kapatid na si Juan Miguel ang isa pang Elorde na nasa pro boxing at kumakampanya sa super bantamweight division.
“Nakakakaba kapag nasa ring sila pero wala kaÂming magawa kundi ang suportahan sila dahil ito ang gusto nila,†wika ng amang si Johnny sa anak na may 13-1 baraha, kasama ang anim na knockouts.
Idinagdag naman ng inang si Liza na mahalaga ang makukuhang panalo dahil makakapasok si Bai sa rankings sa malalaking boxing bodies.
Limang laban na magsisimula sa ganap na ika-5 ng hapon ang matutunghayan bilang paunang palabas bago gawin ang 13th Flash Elorde Memorial Awards sa ganap na alas-7 ng gabi.
Ang mga hinirang bilang World Champions na sina Nonito Donaire Jr., Brian Viloria, Donnie Nietes, John Riel Casimero at Sonny Boy Jaro ang gagawaran ng Boxers of the Year habang si Donaire ang bibigyan ng Elorde Memorial Belt.
Si Sarangani RepresenÂtative Manny Pacquiao ang siyang inimbitahan para tuÂmayo bilang panauhing panÂdangal sa seremonyang inaasahang tatagal ng dalawang oras.